Opisyal na pagbubukas ng taunang SRW 2023 ipinagdiwang ng mga BulSUan

๐Ž๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ ๐›๐ฎ๐›๐ฎ๐ค๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐ญ๐š๐ฎ๐ง๐š๐ง๐  ๐’๐‘๐– 2023 ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ ๐๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐ฎ๐ฅ๐’๐”๐š๐ง
By: James Rusia


Bitbit ang kani-kanilang agaw-atensyon na plakards, isinagawa ngayong araw, Nobyembre 17, ang opening salvo ng Students' Rights and Welfare (SRW) Month. Naganap ito sa pamamagitan ng isang parada ng organisadong kilos-protesta ng iba't ibang kolehiyo at satellite campuses ng Bulacan State University upang bigyan- boses ang kanilang mga hinaing at karapatan.

Ang taunang Students' Rights and Welfare (SRW) Month ay ipinagdiriwang bilang pagbibigay diin at daan sa malayang pagpapahayag ng mga BulSUan sa kanilang mga hinaing, ipinaglalaban, at karapatan bilang mga iskolar ng bayan.

Ilan sa mga hinaing ng BulSUans ay Gender Equality, Mental Health Awareness, Education Crisis, at Malayang Pamamahayag.

Ang SRW 2023 ay may temang "Umalpas: Umahon Mula sa Kahirapan at Karahasan, Lumaban Para sa Kalayaan" na may layuning makalaya sa bulok na sistema ng bansa.

Comments

Popular posts from this blog

Student Coaches: A Recognition Long Overdue

Mask Up BulSUans!

BulSU's Most Anticipated BALANGAYAN 2023 Sets Sail!